umaga non. mag-isa ako sa gingawang bahay dun. lumapit ka tas inaya mo ko maglaro. pumayag ako. tuwang tuwa ako nun kasi may makakasama na ako. isa lang gusto ko nun yung magkaroon ng kalaro. tinignan mo ko ng matagal. tinanong kung sigurado ba talaga ako na gusto ko maglaro.tumango ako tapos tumawa ka. tinanung kita bakit ka natatawa. sabi mo hindi naman ako nakikipaglaro sa mga taong gaya mo. tumawa din ako. inakbayan mo ko. inakbayan kita. natuwa ako kasi pinili mo pa rin makipaglaro sa akin. hindi ako nahiya nung inakbayan kita. natuwa pa ako lalo. bata pa rin nun pero parang ang dami na ng nangyari nung hapon na yun. napagod tayo magtaguan kaya inaya mo ko at sabi mo
"tara. dun tayo sa kubo."
ang saya ko nun. ang daming paru-paru sa paligid nating dalawa. hinuhuli mo yung paruparong me color yeLLow dahil alam mong kanina ko pa yun tinitignan. nasugatan ka na pero hindi ka pa din huminto at pilit hinuli yung paru-paru at sa wakas na huli mo na din, binigay mo sa akin at sa sobrang saya ko naakap kita, pahigpit ng pahigpit. bata nga tayo nun pero parang ang tanda na natin. ayaw na sana kitang bitiwan kaso naalala ko na mag-gagabi na. kelanagn ko ng umuwi kundi papagalitan ako ng lola ko
"ohh. bago mo yan pakawalan magwish ka. dadalin niya yung wish mo ke papa Jesus."
"talaga? sige."
tumahimik kami sandali.
"ano winish mo?"
"sana bukas kaw ulit kalaro kita saka bukas pagkatapos ng bukas. tas bukas pagkatapos ng kahapon ng bukas. basta marami."
"habang buhay tayo maglalaro. pangako."
nagngitian tayo. hinawakan mo kamay ko at sabi mong hahatid mo ako pero hindi pa tayo nakakalayo nakasalubong mo ang kuya mo at sabing hinahanap ka na ng mama mo. nalungkot ako dahil hindi mo na ko mahahatid at ganuon ka din. pero ala tayo magawa. bata pa tayo. walang ginawa kundi sumunod sa utos ng mga nakakatanda. tumango na lang ako. tas naglakad papalayo sa kinatatayuan niyo. nakalayo na ko ng konti ng tumakbo ka at sumigaw
"Nini, bukas ulit ha."
wala akong nasabi kundi ngumiti at maglakad ulit papauwi.
kinabukasan. maaga ako nagising. Linggo nun. nagsimba kami. hapon na nung makauwi kami dahil dumating yung papa ko at dinala ako sa maLL. inaya ko agad si papa umuwi. hapon na nung makauwi kami. sa tapat ng bahay niyo agad ako dumiretso.nakita kita na nakaupo na malapit sa pintuan. binato kita ng maliit na bato. at nakita mo ko.
"bakit ngayon ka lang? ang tagal mo. sabi ng kaibigan mo wala ka daw sa inyo."
"nagpunta kami sa es-em ni papa. daming laruan dun. binili niya ako ng mga toys. 10 ata yun."
"talaga? saya naman nun."
"teka eto pala. inuwian kita ng caramel bar. masarap yan. tikman mo."
"salamat ha."
"kaw pa. tara laro na tayo."
sa pagkakataong yun, ako naman humawak sa kamay mo. tumakbo tayo ng mag kahawak ang kamay papunta sa kubo kung saan tayo lagi nagpapalipas ng oras. kinuwento ko sayo lahat nung nakita kong laruan at wala kang ginawa kundi makinig. tumahimik ka at tumingin sa malayo.
"Paglaki natin ano gusto mo maging?"
"Ako? gusto ko maging Doctor kasi yun yung gusto ng lahat ng bata."
"Ako na lang pasyente mo."
"Bakit?"
"Para makita kita habang ginagamot mo ko pag mamamatay na ko."
tumawa ako pero ikaw nanatiling nakatingin sa malayo. naalala ko na aalis na sa bahay na namin sa manila kami titira agad ko yung sinabi sayo. tinitigan mo ko. hindi ko inasahan na yun ang gagawin mo. iiyak ka na kaso pinigil mo.
"kala ko ba maglalaro pa tayo maglalaro?"
"kailangan daw e, pero sinabi ko na sakanila na ayaw ko sumama sa kanila kasi maglalaro pa tayo. kaso pinalo lang nila ako."
nanatili ka pa ding tahimik. pinipigil mo luha mo habang ako patulo na.
"hihintayin mo pa ba ko pag bumalik ako? maglalaro pa tayO diba?"
bigla mo ko inakap at sinabing
"uwian mo ko ng robocap pagbalik mo. hihintayin ka namin ng kubong to."
nanatili tayong tahimik at tanging iyak nating dalawa ang ingay. nangako ako na babalikan kita sa kubo na naging tahana ng ating pagkakaibigan. binigay mo sa akin yung bracelet na bugay sayo ng mama at papa mo.
"habang nasayo yan. maaalala mo ko."
"o eto yung reLo ko. alam kong papagalitan ako pagnalamang nawala yan. pero iyo na lang. kapalit ng bracelet mo."
nagtawanan muli tayo. nagpaalamanan sa isa't isa na balang araw magkiki tayo ulit at maglalaro. at ngayon, dalaga't binata na tayo. din na tayo pede maglaro pero araw araw ko hinhintay na dumating ang araw na me taong lumapit at magsabi ulit na "tara dun tayo sa kubo."
______________________________
aantayin kita hanggang pagtanda
aasahan ko talaga na balang araw
na magkalaro ulit tayo.
RYAN ELIGIO :)